Ang Nagkaisa! Labor Coalition ay kaisa sa mga biktima ng pagpatay at ng panunupil sa unyon
Hinihimok namin ang gobyerno na i-konkreto ang probisyon ng konstitusyon sa proteksyon sa paggawa.
Nananawagan kami sa mga opisyal ng gobyerno na huwag maging kasabwat sa mga pagpatay na ito na mga produkto ng mga baliw na pag-iisip.
Wag po nating ipagkanulo ang mga manggagawa para sa pabor ng makapangyarihang sa lupa. Wag po tayong maghugas kamay katulad ng ginawa ni Pilato.
Kinokondena namin ang pagpatay kay Dandy Miguel ng KMU, Manny Asuncion ng WAC, Leonardo Ecala ng NAFLU at iba pang mga lider ng unyon na pinaslang sa limang taon ng administrasyong Duterte.
Malugod naming tinatanggap ang pahayag ni DOJ Secretary Guevarra na isang espesyal na pangkat ng pagsisiyasat itinalaga ng DOJ upang titingnan ang pagpatay kay Dandy Miguel sa Laguna noong Linggo. Sinabi niya isama niya din ang NBI upang maging bahagi ng AO 35 Task force upang siyasatin ang extra-judicial killing.
Nanawagan ang NAGKAISA! Labor Coalition sa gobyerno hindi lamang upang mag-imbestiga at mag-usig ngunit kondenahin din ang laganap na pagpatay sa mga unyonista, abugado at aktibista. Ang pagpatay sa isang tao ay para na ring pinapatay tayong lahat, pinapatay nito ang bahagi ng ating pagkatao.
Sa ilalim ng administrasyong Duterte, napansin namin na ang gobyerno ay maligamgam kung di baga parang walang malasakit. Wala ka naririnig na pagkondena mula sa gobyerno sa mga walang kabuluhang pagpatay na ito. Ang kulturang "kill, kill, kill them all " ay para bagang hinihimok pa ng pangulo. Ito ay pagkabaliw at dapat itigil ng mga mamamayan ng isang sibilisadong lipunan.
Ang NAGKAISA kasama ang FFW at SENTRO ay iniharap sa Committee of Application of Standards sa 2019 International Labor Conference (ILC), ang mga kaso ng 43 na mga unyonista na pinatay sa panahon ng administrasyong Duterte.
Napagpasyahan ng ILC na magpadala ng isang ILO High Level Mission at ang mga union sa Pilipinas ay gumawa ng maraming mga follow-up sa DOLE ngunit hanggang ngayon ang gobyerno ng Pilipinas ay hindi handa, kung hindi man tumanggi, na tanggapin ang nasabing HLM. Sa gayon, hindi tayo magsasawa ngunit patuloy na hinihimok ang gobyerno na tanggapin ang high level mission.
Natutuwa kami na sa wakas ay binasag ni Sec Bello ang kanyang katahimikan sa bagay na ito, at hinihimok namin siya na agad na gumawa imbistigasyon at:
1. Ipatawag ang NTIPC upang talakayin ang resolusyon sa pagsasama ng paggawa sa AO35
2. Ipatawag ang High Level Monitoring Body at makipag-dayalogo sa AFP, PNP, DND at DILG
Panghuli, sinusuportahan din naming ang pagsasabatas ng Senate Bill 2121 na gagawing kriminal sa "red-tagging" sa mga unyunista, abogado at iba pang mga aktibista.
No comments:
Post a Comment